Pangkalahatang Impormasyon

Maligayang pagtingin sa aming website! Nasasabik kami na makasama kayo rito. Nais naming ipaalam sa inyo na ang kasalukuyang drop-down na pagsasalin na pinili ninyo ay nagbibigay ng limitadong karanasan. Nagtatrabaho kami upang magbigay ng mas maraming pagsasalin ng nilalaman sa hinaharap. Samantala, pinahahalagahan namin ang inyong pasensya. Kung mayroon pa kayong anumang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa curator@flysfo.com at gagawin namin ang aming makakaya upang makatulong.

Misyon

Misyon ng Museo ng SFO ang: magdulot ng kasiyahan, manghikayat ng paglahok, at magbigay ng inspirasyon sa mga manonood na mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng pagpoprograma ukol sa malawak na hanay ng mga paksa; mangolekta, mapreserba, magbigay ng interpretasyon at magbahagi ng kasaysayan ng industriya ng mga eroplano; at mapagyaman ang karanasan ng publiko sa San Francisco International Airport.

Pagkilala sa Lupain

Magalang na kinikilala ng Museo ng SFO na kami ay nasa hindi isinuko at minana sa mga nununo na tinubuang lupa ng Ramaytush Ohlone — ang orihinal na mga nakatira at tagapangalaga ng San Francisco Peninsula. Pakisamahan kami sa pagpapahalaga at pagbibigay-pugay sa mga ninuno at salinlahi ng Ramaytush Ohlone at sa lahat ng katutubong komunidad na tumira sa Bay Area sa daan-daang henerasyon.

Museo at Aklatan ukol sa mga Eroplano

Nagkakaloob ang Aklatan ukol sa mga Eroplano ng Komisyon ng Airport (Airport Commission Aviation Library) at Louis A. Turnpen na Museo ukol sa mga Eroplano (Aviation Museum) ng natatanging mga oportunidad upang matutunan ang naging pag-unlad ng industriya ng mga eroplano at ang papel na ginagampanan nito sa ating pang-araw-araw na buhay. Matatagpuan ito sa Internasyonal na Terminal, at isa itong arkitektural na adaptasyon ng lobby ng mga pasahero ng Airport noong dekada ng 1930. Nakatuon ang koleksiyon sa kasaysayan ng komersiyal na transportasyon sa himpapawid, sa industriya ng mga airline, at sa San Francisco Internaitonal Airport, nang may rehiyonal na pagdidiin sa West Coast at sa rehiyong Pasipiko. Naghahandog ito ng libreng mga eksibisyon, serbisyo sa pananaliksik. at pang-edukasyong mga programa sa publiko.

Bukas ang Museo at Aklatan ukol sa mga Eroplano araw-araw mula 10:00 AM hanggang 4:30 PM. Sarado ito tuwing pista opisyal at para sa espesyal na mga pagtitipon.

Kontakin ang Museo ng SFO

Mga Eksibisyon ng Museo
SFO Museum
San Francisco International Airport
P.O. Box 8097
San Francisco, CA 94128 USA

Telepono: 650.821.6700
Facsimile: 650.821.6777
Email: curator@flysfo.com

Pananaliksik ukol sa Industriya ng mga Eroplano
San Francisco Airport Commission
Aviation Library & Louis A. Turpen Aviation Museum
San Francisco International Airport
P.O. Box 8097
San Francisco, CA 94128 USA

Telepono: 650.821.9900
Facsimile: 650.821.9915
Email ng Aklatan ukol sa mga Eroplano (Aviation Library): librarian@flysfo.com
Pagpaplano ng mga Pagtitipon (Event Planning)
Gabriel Phung
(Aviation Museum Manager) SFO Museum
San Francisco International Airport
P.O. Box 8097
San Francisco, CA 94128 USA
Email: gabriel.phung@flysfo.com